Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso
Ang mga lungkot at pagkabalisa
Dahan dahan na rin humupa
Ito’y bukas na muli
Yumakap sa mundong pinili
Kasama mga nilalang
Tinalikuran ng lipunan.
Ang mga agam-agam
Natutulog lamang
Pansamantala nahimbing
Maaring magising
At sa puso’t diwa
Manligaligalig
Malulungkot muli
Lulubog sa kaibuturan
Ng lungkot at pighati
Maglulunoy  sa kumunoy nito
Hayaang balutin ang kabuuan
At lamunin nito.
Pagkatapos ng unos at ligalig
Sa pagitan ng mga buntong hininga
Huhugot ng tatag at tapang
Sa kaibuturan
At sa mga kasamang mandirigma
Sasagupa muli sa mga pakikibaka.
August18,2018
10:28am
Kutang Bato

Advertisements