Hanap

 Hinahanap hanap iyong mga labi at bisig
Hayaang ito ang mangungusap
Sa mga piping saloobin
Di mabigyang laya
Nitong bibig,ngunit kimkim ng dibdib

Hinahanap hanap ang iyong mga haplos at yakap
Upang pawiin mga pagkabalisa
Dulot ng iba’t-ibang alalahanin
Sa tuwina naghatid ng ligalig

Hinahanap iyong mahinahong bulong
Nagpapayapa sa mga sigalot
Sa kaibuturan
Upang mga ito payapain.

Hinahanap. Hinahanap hanap.

24 Agosto 2018
8:11PM
Kutang Bato

Advertisements