The Journey Begins

This is a revived and migrated blog. I debated whether to focus on certain issues like my take as a Mindanaon to the current happenings in our Mindanao and the country in general. Then I thought of talking about individuals and peoples, their communities and their situation, their efforts in changing and improving their situation in life through individual or collective action.

Lately, I have revived my unrequited love for bonsai and my growing preoccupation with organic food production. And yes, I should mention that orchards and sustainable living have awakened my intense interest that spurred me to action.

So once in a while, musings on these topics will make way through the pages of this blog.

Thanks for joining me!

Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton

post

Advertisements

Sa Pagitan ng mga Patlang

Sa pagitan ng mga patlang
May mumunting sundot ng ngiti at tuwa
Habang nakatunghay sa malamig na umaga
Nababalot ng hamog ang kapaligiran
Habang araw ay buong tapang
Nagsaboy ng kanyang init

Kahit hindi gaanong sumisigid sa kaibuturan
Dama ang puno ng pagmamahal at pagpapala
Sa puso ay pumukaw
Nagdudulot ng ngiti sa mga labi
Habang puso at kaluluwa
Pinupunan ng init at pandama

Salamat sa magandang umaga.

Nakahimpil na trein, Schipol, NL
9:16 ng umaga
6 Oktubre 2018

Hanap

 Hinahanap hanap iyong mga labi at bisig
Hayaang ito ang mangungusap
Sa mga piping saloobin
Di mabigyang laya
Nitong bibig,ngunit kimkim ng dibdib

Hinahanap hanap ang iyong mga haplos at yakap
Upang pawiin mga pagkabalisa
Dulot ng iba’t-ibang alalahanin
Sa tuwina naghatid ng ligalig

Hinahanap iyong mahinahong bulong
Nagpapayapa sa mga sigalot
Sa kaibuturan
Upang mga ito payapain.

Hinahanap. Hinahanap hanap.

24 Agosto 2018
8:11PM
Kutang Bato

Tatag sa gitna ng pighati

Tahimik na muli ang puso
Ang mga lungkot at pagkabalisa
Dahan dahan na rin humupa
Ito’y bukas na muli
Yumakap sa mundong pinili
Kasama mga nilalang
Tinalikuran ng lipunan.
Ang mga agam-agam
Natutulog lamang
Pansamantala nahimbing
Maaring magising
At sa puso’t diwa
Manligaligalig
Malulungkot muli
Lulubog sa kaibuturan
Ng lungkot at pighati
Maglulunoy  sa kumunoy nito
Hayaang balutin ang kabuuan
At lamunin nito.
Pagkatapos ng unos at ligalig
Sa pagitan ng mga buntong hininga
Huhugot ng tatag at tapang
Sa kaibuturan
At sa mga kasamang mandirigma
Sasagupa muli sa mga pakikibaka.
August18,2018
10:28am
Kutang Bato

Ode to Mornings

…I listened to the murmurs of early morning
the call to prayers of nearby mosques
the sound of pots and pans clanging
soon the sizzles of garlic and onion
with their enticing smell spiced the air

…and through my window
I see the tell tale signs of the sun
slowly rising up the horizon
majestically claiming its place
bathing the Rio Grande
with its soft warm glow
as if to signal the boatmen
to ferry eager people to start their day

…for a moment, time stood still
then the loud engine of the small boats
cut through the stillness of the water
disturbing its placidity
as its water sluiced through the cluster of water hyacinths
dotting the expanse as if shooing it away

…then everything burst
into a bustle of activity
and so has this soul
with a sleepy but contented smile
burrowed deep into the mundane
rhythm of everyday life.

…Cotabato has awaken to another new day.

20 August 2018
9:10AM, Cotabato City

Kanlungan

Nais ko na kumanlong sa iyong mga bisig
Magtago sa magulong mundo
Pansamantalang huhugot ng lakas
Upang sa muling pagbalikwas
Muling matapang at matatag.

11 Agosto 2018
1:21AM
IC

Kaulayaw sa Panaginip

Tila kay haba ng araw
Gustong hilahin ang oras
Upang maging takip silim
At hihimlay
Para muli
Kita ay makaulayaw
Sa panaginip.

9 Agosto 2018
9:05am; CDO